Sunday, January 30, 2011

Mga Madre nagpakitang gilas

Nagpakitang gilas kamakailan ang mga madre ng Baguio Cathedral sa pamamagitan ng mga tugtuging "Toyang" ng Ereaseheads,  “I Will Follow Him,” ng pelikulang Sister Act na pinagbidahan ni  Whoopi Goldberg,” at "I have a Dream" ng Abba’s. Ang dahilan? Ito ang kanilang isang paraan kung paano makaakit muli ng mga papasok sa kombento.


Hindi lingid sa marami na bumulusok pababa ang mga aplikante para sa bokasyong ito tulad din ng pagpa-pari. Ito ang tinuran kamakailan ni Sr. Eva Vargas ng Villa Milagrosa Convent na umamin pang matatanda na ang mga madre sa mga kombento kaya kailangan na nilang gumawa ng paraan para may kapalit agad ang mga ito.






Nagulat lang tayo sa balitang ito dahil hindi ito karaniwang ginagawa ng mga madre. Ang totoo ngayon lang ako nakarinig nito. Dahil mula noon itinuturing ng marami na napaka-seryoso ng mga madre.


Idinagdag pa ni Vargas na nais nilang ipaalam na ang mga madre o ang pagma-madre mismo ay hindi lang naroroon sa mga kombento para magdasal ng magdasal kundi gumagawa din ng mga normal na gawain.