Friday, February 4, 2011

Mona Lisa isang lalake?

Sa loob ng mahabang siglo marami ang may haka-haka na maaaring hindi babae ang modelo ni Leonardo Da Vinci sa kaniyang obra maestra na Mona Lisa. Ayon sa ilang palagay posibleng si Lisa Gherardini na asawa ng isang mangangalakal, maaaring si Isabella ng Aragon o dili kaya'y si Da Vinci mismo.
Ngunit para kay Silvano Vinceti, isang Italyanong mananalaysay sa arte ang Mona Lisa na pinta ni Da Vinci ay maaaring si Gian Giacomo Caprotti o kilala sa tawag na Salai, isang estudyante ni Da Vinci o posible ring karelasyon. Ito ang teoriya ni Vinceti sa isang pahayag kamakailan.


Sinabi pa ni Vinceti ayon sa kaniyang teoriya na si Salai ay paboritong modelo ni Leonard. Ito di-umano ay mapapansin dahil sa pagkakahawig ng ilong at bibig.